Nakipagkasundo ang Social Security System (SSS) sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang maisama sa eGovPH app ang digital ID feature ng MySSS Card at ilang serbisyo para sa mga miyembro nito.
Nilagdaan nina DICT Secretary Robert Joseph de Claro at SSS President and CEO Victor Alfonso Limlingan ang data-sharing agreement noong Oktubre 21.
Sa pamamagitan nito, magagamit na ng mga miyembro ang digital version ng MySSS Card bilang isa sa mga ID sa eGovPH. Maaari rin nilang makita ang kanilang contribution history, kabuuang halaga ng kontribusyon, kasalukuyang membership type, at pinakahuling impormasyon tungkol sa kanilang employer.
Ayon sa SSS, layunin ng integrasyon na gawing mas madali ang pag-access ng mga miyembro sa kanilang impormasyon at serbisyo sa iisang application.
📷: eGovPH



