Malubha ang kundisyon ng isang batang babae matapos masalpok ng humaharurot na motorsiklo habang tumatawid sa national highway sa Barangay Minante Dos, Cauayan City, Isabela, nitong Huwebes, Nobyembre 5.
Sa CCTV footage, nakitang ilang metro lamang ang layo ng batang biktima at isa pang batang kasama nito sa pedestrian lane nang bigla siyang tumawid. Hindi napansin ng biktima ang paparating na motorsiklo mula sa kaliwang bahagi ng kalsada.
Tumilapon ng ilang metro ang bata dahil sa lakas ng impact. Naisugod siya sa ospital na comatose umano ang kondisyon. Samantala, nasa himpilan ng pulisya ang rider habang iniimbestigahan ang insidente.
📹 Engr. Nelson Donato Jr.


