Humihingi ang Department of Agriculture (DA) ng ₱1 bilyong pondo para sa pagbabakuna ng mga baboy sa maliliit na babuyan sa buong bansa upang mapigilan ang pagkalat ng African swine fever (ASF).
Kasunod ito ng ulat ng Bureau of Animal Industry na may 238 barangay pa ring may aktibong kaso ng ASF hanggang Oktubre 22.
Ayon kay DA spokesperson Arnel de Mesa, uunahin sa programa ang mga maliliit na hog raiser na walang sapat na kakayahang bumili ng bakuna.
Sinusuri rin ng ahensya ang isa pang bakuna mula South Korea at naghahanap ng iba pang mapagkukunan nito.
📷 DA



