Iniulat ng cybersecurity group na Deep Web Konek ang umano’y data leak sa Office of the Vice President (OVP) matapos sabihin ng isang hacker na nakakuha ito ng tinatayang 10 gigabytes (GB) ng mga dokumento mula sa tanggapan.
Ayon sa grupo, binubuo umano ng 12,979 PDF files ang mga dokumentong nakuha ng hacker na gumagamit ng pangalang DeathNoteHackers mula sa scheduling platform ng OVP.
Iniugnay rin ng grupo ang post ng hacker sa mga pahayag na bumabatikos sa prayoridad ng pamahalaan sa paggastos, paglalaan ng budget at umano’y mga iregularidad sa mga proyektong pang-imprastraktura.



