Dalawang residente ang nasawi matapos umanong ma-trap sa loob ng kanilang bahay nang sumiklab ang sunog sa Purok 5, Barangay Pala-o, Iligan City, madaling araw nitong Huwebes, Nobyembre 5.
Mabilis umanong kumalat ang apoy kaya itinaas sa ikalawang alarma ang sunog dakong alas-3:22 ng madaling araw, at sa ikatlong alarma makalipas ang dalawang minuto.
Idineklarang under control ang sunog dakong alas-5:08 ng umaga, matapos ang halos dalawang oras.
Kinumpirma ng barangay na hindi nakaligtas ang dalawang residente. Patuloy pang inaalam ang sanhi at pinagmulan ng sunog.
📸: ICDRRMD



