Posibleng pangalanan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong linggo ang susunod na Chief Justice ng Korte Suprema, ayon sa Malacañang.
Ito ay kasunod ng nakatakdang pagreretiro ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa Nobyembre 6.
Matatandaang nagsumite na ang Judicial and Bar Council (JBC) kay Marcos ng listahan ng limang inirerekomenda para sa posisyon.
Kabilang dito sina Senior Associate Justice Marvic Leonen at Associate Justices Alfredo Benjamin Caguioa, Rodil Zalameda, Japar Dimaampao at Jose Midas Marquez.
Samantala, umatras naman sa kanilang nominasyon sina Associate Justices Ramon Paul Hernando at Henri Jean Paul Inting.


