Narekober ng pulisya at mga awtoridad ang apat na baril at mga bala sa isinagawang search warrant operation sa Barangay Bignay 2, Sariaya, Quezon.
Arestado ang isang suspek matapos makumpiskahan ng caliber .45 pistol na may limang bala. Nakatakas naman ang pangunahing suspek na umano’y may-ari ng iba pang nakumpiskang baril, magazine at bala.
Patuloy ang manhunt operation laban sa nakatakas na suspek habang nakakulong na ang isa.
Via: Martin Banaag
📸: Sariaya MPS


