Nagsagawa ng emergency return sa Shanghai Pudong International Airport ang isang Thai Airways Boeing 787-9 Dreamliner matapos makakita ng bitak sa ik kaliwang bahagi ng cockpit windshield ilang sandali matapos itong lumipad nitong Miyerkules, Nobyembre 4.
Ang Flight TG663 ay galing Shanghai papuntang Bangkok nang mapansin ng mga piloto ang bitak.
Dahil lagpas sa safe landing weight ang kargang gasolina, nagpalipad muna ito nang paikot sa East China Sea upang magbawas ng fuel bago ligtas na lumapag dakong 10:06 ng umaga.
Walang naiulat na nasaktan sa insidente. Nagbigay naman ang Thai Airways ng tulong sa mga pasahero.
📹: SurrenderedBear

