Kinumpirma ng Senate Impeachment Court na humiling ng subpoena ang defense team ni Vice President Sara Duterte para sa 25 witness na nakatakda nilang iharap sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa susunod na linggo.

Base sa request noong Nobyembre 4, 2026, ihaharap ang mga witness sa Nobyembre 9 hanggang 13 kaugnay ng Article II o ang umano’y unexplained wealth ng bise presidente.
Kasama sa ihaharap ng defense team ang mga legal counsel ng mga negosyong inuugnay kay VP Sara at sa asawa niyang si Atty. Manases Carpio, mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga accountant mula sa Davao Region, gayundin ang mga opisyal ng bangko.
📹: Mar Gabriel


