Patuloy na hinahanap ng pulisya ang dalawang suspek na nakatakas matapos ang shootout sa Bacoor, Cavite, na ikinasawi ng lima nilang kasamahan.
Ayon sa pulisya, kabilang umano ang mga suspek sa Gapos Gang na planong mangholdap sa isang negosyante.
Dalawa sa limang nasawi ay dating pulis, habang limang baril ang narekober sa insidente.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), nagpapanggap umanong security guards ang grupo upang makapasok sa mga subdivision.
📸: Bacoor CPS


