Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na iisang tao lamang sina Joseph Sy at ang Chinese national na si Chen Zhong Zhen matapos magtugma ang kanilang fingerprints.
Ayon kay BI Deputy Commissioner Atty. Joel Alejandro Nacnac, may ilang usaping pangseguridad na dapat tutukan kaugnay ng pagkakakilanlan ni Sy.
Kabilang dito ang umano’y identity fraud, institutional security infiltration, at posibleng foreign political alignment.


