Nasawi ang isang motorcycle rider nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem sa exit road ng Calle Veronica, Barangay Malagutay, Zamboanga City, bandang 10:00 ng umaga nitong Miyerkules, Nobyembre 4.
Kinilala ng pulisya ang biktima na isang 40-anyos na residente ng Lamitan City, Basilan at pansamantalang naninirahan sa Barangay Lunzuran. Dalawang beses umano siyang binaril sa ulo habang sakay ng kaniyang motorsiklo. Walang nakasaksi sa pamamaril.
Patuloy na sinusuri ng mga awtoridad ang mga kuha ng CCTV sa lugar at sinusundan ang mga lead upang matukoy ang mga suspek at malaman ang motibo sa krimen. Nagsasagawa na rin ng manhunt operation ang pulisya.
Via: Ely Dumaboc


