Kailangang muling magparehistro ang lahat ng persons with disabilities (PWDs) sa ilalim ng bagong Unified PWD ID System, kabilang ang mga may hawak na ng PWD identification card.
Para sa mga may non-apparent disabilities, kailangan magsumite ng medical documents para sa beripikasyon. Hindi naman kailangang magpakita ng disability certificate ang mga may apparent disabilities.
Sa bagong PWD ID, naglagay na ng QR code at unique identification number sa pamamagitan ng sistema ng National Council on Disability Affairs (NCDA).
📸: NCDA

