Inamin ng Department of Agriculture (DA) na may maling coordinates ang walong farm-to-market road (FMR) projects na kasama sa panukalang budget ng ahensya para sa 2027.
Ayon sa DA, nagkaroon ng pagkakamali sa paglalagay ng datos at geotagging kaya nakaturo sa mga karagatan, kabilang ang Celebes Sea at Philippine Sea, ang lokasyon ng ilang proyekto.
Kabilang ang mga ito sa 1,669 FMR projects na bahagi ng panukalang budget ng ahensya na isinumite sa Kamara.
Hinimok naman ng ilang mambabatas ang DA na itama ang mga pagkakamali habang pinag-uusapan pa ang budget sa Senado.
📷: DA File


