Ipinakilala at pinarangalan sa Hanoi Art Connecting 8: International Art Workshop and Exhibition 2026 sa Vietnam ang Pilipinong contemporary artist na si Reynold Dela Cruz.
Kilala si Dela Cruz sa konseptong “Equilibrium” at sa kaniyang mga obrang nakabatay sa kaniyang personal na karanasan.
Kabilang sa kaniyang mga pagkilala ang pagiging Top 5 finalist sa Philip Morris ASEAN Art Awards noong 1998 at muling pagkakapili sa NordArt International Art Exhibition sa Germany ngayong 2026.
Patuloy niyang itinataas ang bandera ng sining Pilipino sa pandaigdigang entablado.
Via: Betheliza Paguntalan
📹: Reynold Dela Cruz


