Arestado sa entrapment operation sa Pangasinan ang isang suspek na umano’y nagbanta sa kaniyang nakilala online na ikakalat ang maselang video nilang dalawa.
Ayon sa pulisya, selos umano ang dahilan ng pagbabanta matapos magkaroon ng bagong kasintahan ang biktima.
Nagpasaklolo sa mga awtoridad ang biktima kaya ikinasa ang operasyon.
Depensa naman ng suspek, pareho nilang sinang-ayunan ang pagkuha ng video.
Nahaharap ang suspek sa kasong coercion kaugnay ng Anti-Cybercrime Prevention Act.
📹: Jim Tejano


