Sinabi ni Atty. Michael Poa na iginagalang at nauunawaan ng kanilang kampo ang desisyon ni Dean Ralph Sarmiento na tanggihan ang imbitasyong tumestigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
“Nirerespeto at naiintindihan po natin si Dean Sarmiento,” pahayag ni Poa.
Tungkol naman sa kanilang unang testigo, sinabi ni Poa na naisumite na nila sa Impeachment Court ang listahan ng kanilang mga testigo para sa unang linggo, alinsunod sa five-day rule.
“Concerning our first witness, we have already submitted our list of witnesses for the first week to the Impeachment Court, in compliance with the 5-day rule,” ani Poa.
Dagdag pa niya, hindi nila ilalantad ang nilalaman ng kanilang mga isinumite at isinampang dokumento sa korte.
“Consistent with our disposition since pre-trial, we will refrain from disclosing the contents of our court submissions and filings,” pahayag niya.
Matatandaang hiniling ng defense team sa Impeachment Court na maglabas ng subpoena para kay Sarmiento upang tumestigo sa Nobyembre 9.


