Nawasak ang harapang bahagi ng isang wing van matapos bumangga sa isang trailer truck sa Blumentritt St. corner Aurora Blvd., Maynila, kaninang ala-una ng madaling araw.
Magkaiba naman ang pahayag ng dalawang driver tungkol sa nangyari.
Ayon sa driver ng trailer truck, sumingit ang wing van habang nagmamaneobra siya patungong Aurora Boulevard. Giit naman ng driver ng wing van, nakahinto na siya nang mahagip ng truck.
Walang nasaktan o nasawi sa insidente, ngunit nagdulot ito ng pagbagal ng daloy ng trapiko.
Dinala na ang wing van sa Manila District Traffic Enforcement Unit.
📹: Jim Tejano


