Thu, Nov 5Thursday, November 5, 2026
NET25 Logo
  • NEWS
  • ENTERTAINMENT
  • OPINION
RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
    • News
    • Entertainment
    • Opinion
    • Radyo Agila
    • Eagle FM 95.5
    • Program Schedule
    • About Us
    • Profiles
    • Contact Us
    • Privacy Policy
    • Sales
    • Job Application
  • CONNECT WITH US
NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    ← OpinionNext column →
    Nelson M. Lubao

    Nelson M. Lubao

    Columnist · NET25

    BAGONG TWIST SA BALDE WATER FILTER: MGA VIRUS AT BACTERIA, MAAARING MAKALUSOT, AYON SA DOH

    BAGONG TWIST SA BALDE WATER FILTER! Matapos tiyakin sa Malacañang na ligtas ang sinalang tubig kahit sa sanggol, nagbabala ang DOH: may mga virus na maaaring makalusot. Gaano nga ba ito kaligtas?

    November 05, 20263 min read

    Natatandaan mo pa ba ang eksena sa Malacañang noong October 14?

    Bilang paghahanda sa super El Niño, ipinakita ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang isang balde water filtration kit sa harap ng kamera.

    At hindi lang iyan. Nilagyan nila ng tubig ang balde, hinaluan ng lupa, pinadaan sa filter, ipinakitang luminaw ang tubig sa baso, at saka ininom sa harap ng publiko.

    Uminom din si Palace Press Officer Claire Castro.

    Nanindigan pa si Gatchalian na ang tubig mula sa filter ay “safe for everybody,” kahit daw para sa mga baby. Tiniyak din niyang may sertipikasyon ito mula sa DOH at may napakataas na removal rate ang filter.

    “Wala ho dapat ikatakot dahil na-try ko na ito so many times,” dagdag pa niya.

    Ayon sa DSWD, pumasa rin ang sinalang tubig sa Philippine National Standards for Drinking Water batay sa mga parameter na sinuri.

    Isang balde. Isang water filter. Tubig na may lupa. Ligtas ka na raw sa uhaw sa gitna ng matinding init.

    Malinaw ang mensahe: gumagana ang filter, at puwedeng inumin ang tubig.

    Pero teka.

    𝗔𝗡𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗔𝗦𝗔𝗕𝗜 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗛?

    Noong November 3, nagbabala ang Department of Health tungkol sa mga limitasyon ng water filtration devices.

    Ayon kay DOH Assistant Secretary Tagumpay Maniquis, kayang harangin ng 0.1-micron filter ang maraming bacteria. Pero may mga virus na mas maliit dito at maaaring makalusot. Hindi rin garantisadong naaalis nito ang lahat ng mikrobyo.

    Ayon naman sa US Centers for Disease Control and Prevention, hindi lahat ng water filter ay kayang alisin ang mapanganib na kemikal sa tubig. Depende ito sa uri ng filter at kontaminant.

    Kaya depende sa kalidad at pinanggalingan ng tubig, maaaring kailangan pa itong pakuluan o i-disinfect ayon sa gabay ng lokal na health office.

    Pero tandaan: hindi naaalis ng pagpapakulo o karaniwang disinfection ang mapanganib na kemikal.

    Kung maraming putik o dumi ang tubig, maaaring kailangan muna ng angkop na pretreatment upang hindi bumara ang filter. Mahalaga ring tiyaking awtorisado ang produktong ginagamit at angkop ang kakayahan nito sa uri ng kontaminasyon.

    𝗕𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗠𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡

    Nakita nating luminaw ang tubig. Ayon kay Gatchalian, mayroon ding sertipikasyon at water analysis results na nagpapatunay sa kakayahan ng filter.

    Advertisement

    Sponsored placement

    Pero ano ba talaga ang saklaw ng mga pagsusuring iyon?

    Kasama ba ang mga virus at mapanganib na kemikal? At sapat ba ang mga resulta upang sabihing ligtas ang anumang tubig na daraan sa filter, kahit para sa mga sanggol?

    Iyan ang mga tanong na dapat malinaw na masagot ng gobyerno.

    Dahil ang pag-alis ng nakikitang dumi ay hindi awtomatikong nangangahulugang wala nang hindi nakikitang kontaminant.

    At hindi porke uminom ang mga opisyal nang walang agarang masamang nangyari, ligtas na ito sa lahat ng pagkakataon.

    Hindi rin porke epektibo ang isang filter laban sa ilang mikrobyo at dumi, epektibo na ito laban sa lahat.

    𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗬𝗨

    Hindi ordinaryong demonstrasyon ang nangyari sa Malacañang.

    Mismong mga opisyal ng gobyerno ang uminom ng sinalang tubig. May binanggit na sertipikasyon. May mataas na removal rate na ipinagmalaki. At may katiyakang ligtas ito kahit para sa mga sanggol.

    Kaya natural lamang na maniwala ang publiko.

    Pero kung may mga virus at iba pang kontaminant na maaaring hindi maalis ng ganitong uri ng filtration, hindi ba dapat kasinglinaw ng demonstrasyon ang paliwanag tungkol sa mga limitasyon nito?

    Hindi lahat ng Pilipino ay may laboratoryo. Hindi lahat ay nakaaalam kung anong mikrobyo o kemikal ang nasa tubig na kanilang iniipon. At hindi lahat ay makapagpapasya kung kailangan pa itong pakuluan, i-disinfect, o huwag nang inumin.

    Hindi ito pagkuwestiyon sa pakinabang ng teknolohiya. Ito ay paghingi ng malinaw na impormasyon at sapat na batayan ng mga garantiya mula sa gobyernong nagrerekomenda nito.

    Kaya dapat malinaw ang paliwanag ng gobyerno: anong tubig ang ligtas salain, at kailan kailangan pa ng ibang paraan para maging ligtas itong inumin?

    Madaling magpakitang umiinom ng sinalang tubig sa harap ng kamera.

    Pero paano ang mga pamilyang maniniwala at gagaya?

    Hindi sapat na ipakitang gumagana ang filter. Dapat ipaliwanag din kung kailan ito dapat at hindi dapat gamitin.

    Dahil ang tunay na responsibilidad ng gobyerno ay hindi lamang kumbinsihin ang publiko, kundi tiyaking ligtas ang mga taong maniniwala rito.

    Was this worth reading?
    Share

    Reader comments

    Comments are closed for this article.

    No comments yet.

    Nelson M. Lubao

    Nelson M. Lubao

    Columnist · NET25

    The views expressed are the author’s own.

    See all columns by Nelson →

    Keep reading

    Next columnFree Fallin’ ang PisoBy Caesar VallejosThe peso hits a record low of ₱64 per dollar, raising concerns over fuel prices, food costs and household expenses as Filipinos face the impact of a weakening currency.→← Read a newer column

    More from Nelson

    Sinong dapat bumili ng isang baldeng utak?Oct 14→11.5 bilyong shabu, kaninong parcel ito?Oct 11→BAWAL NA BANG SUMIGAW NG MAGNANAKAW?Oct 08→

    More voices in Opinion

    REGINEWilma Galvante·Oct 27→YOUR ₱500 NEEDS A RECEIPT. THEIR BILLIONS?Rikki Mathay·Oct 22→
    ←NET25 Opinion