Wed, Oct 14Wednesday, October 14, 2026
NET25 Logo
  • NEWS
  • ENTERTAINMENT
  • OPINION
RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
    • News
    • Entertainment
    • Opinion
    • Radyo Agila
    • Eagle FM 95.5
    • Program Schedule
    • About Us
    • Profiles
    • Contact Us
    • Privacy Policy
    • Sales
    • Job Application
  • CONNECT WITH US
NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    ← OpinionNext column →
    NL

    Nelson Lubao

    Columnist · NET25

    Sinong dapat bumili ng isang baldeng utak?

    Kailangan daw ng isang baldeng utak para maunawaan ang payo ng Pangulo na bumili ng balde para sa El Nino. Sagot ba ito o insulto sa naghahanap ng plano? Sino ba dapat ang may isang baldeng utak?

    October 14, 20262 min read

    Sa gitna ng banta ng matinding El Niño, pinayuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang publiko na bumili ng balde upang makapag-ipon ng tubig-ulan. Nang umani ito ng batikos, sumagot naman si PCO Undersecretary Claire Castro tungkol sa pangangailangan umano ng mga kritiko ng isang “baldeng utak” para maunawaan ang paliwanag ng gobyerno.

    Mula sa balde ng tubig, nauwi ang usapan sa balde ng utak.

    Ngunit kailan pa naging kakulangan sa utak ang pagtatanong sa gobyerno?

    Walang masama sa pag-iipon ng tubig-ulan. Praktikal itong paraan ng pagtitipid sa tubig. Ngunit kapag ang isang bansa ay nahaharap sa malawakang tagtuyot na maaaring makaapekto sa suplay ng tubig, agrikultura, pagkain, at kabuhayan, karapatan ng mamamayan na magtanong kung ano ang mas malawak at kongkretong plano ng pamahalaan.

    Hindi sapat na sabihing hindi lang naintindihan ng publiko ang mensahe. Trabaho ng gobyernong magpaliwanag, hindi trabaho ng taumbayang hulaan ang ibig nitong sabihin.

    At lalong hindi tungkulin ng isang opisyal na insultuhin ang mga nagtatanong.

    Sa isang demokrasya, ang mga opisyal ay nanunungkulan upang maglingkod, hindi upang maghari. Ang kanilang kapangyarihan ay nagmumula sa mamamayan. Kaya kapag may bumabatikos sa isang polisiya o pahayag, ang nararapat na tugon ay paliwanag, hindi pangungutya.

    Advertisement

    Sponsored placement

    Dito nagiging mapanganib ang ganitong uri ng pagdepensa sa administrasyon. Sa halip na sagutin ang argumento, ang talino o pagkatao ng kritiko ang pinupuntirya. Sa halip na linawin ang isyu, ang nagtatanong ang ginagawang problema.

    Mas madaling insultuhin ang kritiko kaysa harapin ang kanyang tanong.

    Hindi bago ang ganitong kultura sa pulitika ng Pilipinas. Kapag may pumuna sa administrasyon, madalas ay agad siyang binabansagang kalaban, panatiko, o tagasuporta ng kabilang kampo.

    At dito na nagsisimulang maniwala ang mga nasa kapangyarihan na sila lamang ang laging tama.

    Kaya lahat ng puna ay itinuturing na pag-atake, bawat pagkakamali ay ipinagtatanggol, at bawat kritiko ay minamaliit at binabansagan ng kung anu-anong pangalan.

    Sa puntong ito, bulag na ang pamahalaang kilalanin at itama ang sarili nitong pagkakamali at pagkukulang.

    Diyan nagsisimula ang isang gobyernong mas abala sa pagtatanggol sa sariling imahe kaysa sa paglutas ng problema ng mamamayan.

    Sa huli, hindi lang tubig ang maaaring magkulang sa panahon ng tagtuyot. Maaari ring matuyo ang pananagutan, kababaang-loob, at respeto sa mamamayan.

    Maaaring punuin ng tubig-ulan ang isang balde. Ngunit walang baldeng sapat para saluhin ang kayabangan ng isang gobyernong ayaw tumanggap ng kritisismo.

    Kaya ang tanong ng taumbayan: Sino nga ba ang mas nangangailangan ng isang baldeng utak—ang mamamayang humihingi ng konkretong sagot, o ang mga opisyal na mas piniling mang-insulto kaysa magpaliwanag?

    Was this worth reading?
    Share

    Reader comments

    Comments are closed for this article.

    No comments yet.

    NL

    Nelson Lubao

    Columnist · NET25

    The views expressed are the author’s own.

    Keep reading

    Next column11.5 bilyong shabu, kaninong parcel ito?By Nelson M. LubaoHalos 1.7 tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng ₱11.5 bilyon ang nasabat sa Laos at Thailand at iniulat na patungo sa Pilipinas. Bakit tila wala pang sapat na imbestigasyon upang matukoy kung kanino ang mga kargamento?→

    More voices in Opinion

    Will AI kill us by 2030?Rikki Mathay·Oct 11→BAWAL NA BANG SUMIGAW NG MAGNANAKAW?Nelson M. Lubao·Oct 08→The plague scare: What if we call it “just the flu”?Rikki Mathay·Oct 08→Kaya bang tawaran ang buhay?Caesar Vallejos·Oct 06→The flydubai attack: The politicization of empathyRikki Mathay·Oct 04→
    ←NET25 Opinion