Sun, Oct 11Sunday, October 11, 2026
NET25 Logo
  • NEWS
  • ENTERTAINMENT
  • OPINION
RADYO AGILAEAGLE FM 95.5
    • News
    • Entertainment
    • Opinion
    • Radyo Agila
    • Eagle FM 95.5
    • Program Schedule
    • About Us
    • Profiles
    • Contact Us
    • Privacy Policy
    • Sales
    • Job Application
  • CONNECT WITH US
NET25 Logo

Your source for news, entertainment, and the best of Philippine broadcasting.

Connect With Us

About

  • About Us
  • Profiles
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Contact

  • Contact Sales
  • Job Application

Partners

    © 2026 NET25. All rights reserved.UTC
    ← OpinionNext column →
    NN

    NET25 News

    Columnist · NET25

    11.5 bilyong shabu, kaninong parcel ito?

    Halos 1.7 tonelada ng shabu na nagkakahalaga ng ₱11.5 bilyon ang nasabat sa Laos at Thailand at iniulat na patungo sa Pilipinas. Bakit tila wala pang sapat na imbestigasyon upang matukoy kung kanino ang mga kargamento?

    October 11, 20262 min read

    Halos dalawang tonelada. Ganyan karami ang shabu na maaaring nakapasok na sa Pilipinas kung hindi lang naharang ng mga awtoridad sa ibang bansa.

    Dalawang magkahiwalay na kargamento, parehong patungo umano sa ating bansa. At sa laki ng mga shipment na ito, iisang tanong lang ang dapat sinasagot ngayon ng ating gobyerno:

    KANINONG "PARCEL" ITO?

    Unang nasabat sa Laos ang 521 kilo ng shabu na isiniksik sa 21 maleta. Ayon sa Malaysian narcotics police, ang kargamentong ito na inihahandang isakay sa isang private Learjet ay patungo sana sa Manila. Bukod sa dalawang piloto, sakay ng jet ang kaisa-isang pasahero na isang Pilipino. Ilang araw na ang lumilipas, pero tahimik pa rin ang DFA para alamin kung sino ang pasaherong ito.

    Hindi pa man humuhupa ang balitang ito, naharang naman sa Thailand ang fishing vessel na EAST HARBOUR 1 noong Oktubre 8. Dala nito ang 1,178 kilo ng shabu na idedeliver din umano sa Pilipinas.

    Kung pagsasamahin, nasa 1,699 kilo ng shabu ang nasabat sa loob lamang ng isang linggo. Batay sa standard valuation ng Philippine Drug Enforcement Agency na ₱6.8 milyon kada kilo, katumbas ito ng tumataginting na ₱11.5 BILYON.

    Malinaw itong indikasyon na buhay na buhay ang bilyon-bilyong pisong industriya ng iligal na droga sa bansa, at kumpiyansa ang international drug syndicates na makakalusot sila sa ating mga pantalan at paliparan.

    Advertisement

    Sponsored placement

    Sa ganitong sitwasyon, inaasahan nating abalang-abala na sana at hindi na magkanda-ugaga ang national government para mag-imbestiga.

    Pero habang isinusulat ang artikulong ito, nakakabingi ang katahimikan ng mga awtoridad.

    Kabaligtaran ito ng napakabilis at maingay nilang pag-aksyon sa pagsigaw ng "MAGNANAKAW!" ni Reina Mercedes, Isabela Vice Mayor Harold Respicio sa isang viral video.

    Dito mo makikita ang nakababahalang prayoridad ng mga nasa pwesto.

    Kung kayang tutukan at gawan ng isyu ang kilos ng isang tao, bakit tila napakabagal sila sa halos 1.7 toneladang kontrabando na papasok na sana sa ating bansa?

    Dapat ay may ilang araw nang abala ang DILG, PNP, at PDEA sa pagtukoy kung sino ang mga malalaking isda na sasalubong sa ₱11.5 bilyong shabu na ito.

    Ang 1,699 kilo ng shabu ay hindi basta ilang pakete na kasya sa maliit na bag. Nangangailangan ito ng malaking puhunan, pribadong eroplano, barko, at malawak na distribution network. At higit sa lahat, nangangailangan ito ng proteksyon mula sa mga maimpluwensyang tao. Sa madaling salita, kailangan nito ng isang organisadong grupo, o ng isang sindikato.

    Ang matagumpay na operasyon sa Laos at Thailand ay simula pa lamang. Hindi sapat na magpasalamat lang tayo dahil naharang ang kontrabando. Ang mas mahalaga ngayon ay matukoy at mahuli ang mga taong nasa likod nito.

    Kaya ang pinakamahalagang tanong na itinatanong ngayon ng publiko sa gobyerno:

    Kaninong parcel ito?

    Was this worth reading?
    Share

    Reader comments

    Comments are closed for this article.

    No comments yet.

    NN

    NET25 News

    Columnist · NET25

    The views expressed are the author’s own.

    Keep reading

    Next columnWill AI kill us by 2030?By Rikki MathayThe warning from those who built AI→

    More voices in Opinion

    BAWAL NA BANG SUMIGAW NG MAGNANAKAW?Nelson M. Lubao·Oct 08→The plague scare: What if we call it “just the flu”?Rikki Mathay·Oct 08→Kaya bang tawaran ang buhay?Caesar Vallejos·Oct 06→The flydubai attack: The politicization of empathyRikki Mathay·Oct 04→The Visayas is not a rounding errorRikki Mathay·Sep 27→
    ←NET25 Opinion