Nasawi ang isang 22-anyos na lalaki habang sugatan naman ang isang 14-anyos na binatilyo matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Mercurio St., Barangay Tugatog, Malabon City, pasado alas-8 ng gabi nitong Miyerkules, Nobyembre 4.
Ayon sa pulisya, nakatambay ang dalawa nang bigla silang pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Patuloy ang pagsusuri sa CCTV footage at paghahanap sa mga salarin upang matukoy ang motibo sa krimen.
📹: Jim Tejano
📷: Contributed


