Apat sa bawat sampung kabataan sa Pilipinas ang walang pisikal na aktibidad sa loob ng isang linggo, batay sa bagong pag-aaral ng World Health Organization (WHO).
Sa buong mundo, nasa 240 milyon naman ang mga kabataang edad 11 hanggang 17 na walang aktibong aktibidad sa loob ng isang linggo, batay sa datos mula sa 140 bansa at teritoryo.
Nagbabala ang WHO na maaaring mauwi sa sakit sa puso, type 2 diabetes at ilang uri ng cancer ang kakulangan sa ehersisyo.
Mas marami ring babae ang hindi aktibo kumpara sa mga lalaki.
Hinimok ng ahensya ang mga bansa na maglaan ng ligtas na lugar kung saan maaaring maglakad, magbisikleta at maglaro ang mga kabataan.


