Pinayagan ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng buhay na baboy at mga produktong karne ng baboy mula sa mga lugar sa United Kingdom (UK) na walang kaso ng African swine fever (ASF).
Sa ilalim ng Department Circular No. 58, sinabi ng Bureau of Animal Industry (BAI) na may mahigpit na hakbang ang UK upang maiwasan ang pagkalat ng ASF at mabawasan ang panganib ng transmisyon sa mga inaangkat na produkto.
Saklaw din ng pahintulot ang genetic materials mula sa mga baboy sa UK.
📸 Reuters



