Sampung project engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang posibleng sibakin sa susunod na linggo dahil sa umano’y pagkukulang sa pagsubaybay sa mga proyektong pang-imprastraktura.
Ayon kay DPWH Secretary Giovanni Lopez, peke ang ilang larawang isinumite ng mga project engineer. Tungkulin ng mga ito na inspeksyunin ang mga proyekto at magsumite ng aktuwal na mga larawang may geotag.
Samantala, hinimok din ni Lopez ang mga contractor na i-report ang mga tauhan ng DPWH na manghihingi ng suhol.
📸 DPWH

