Binawasan ng Senado ng ₱19.8 bilyon ang panukalang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at Medical Assistance Program (MAP) sa 2027 national budget.
Ayon kay Senate Finance Committee Chairman JV Ejercito, ililipat ang tinapyas na pondo sa PhilHealth upang mapalakas ang mga serbisyong pangkalusugan tulad ng zero balance billing, pagbabakuna, at pagpapabuti ng mga ospital sa mga lalawigan. Dahil dito, tataas sa ₱94.2 bilyon ang subsidiya ng PhilHealth mula sa dating ₱73 bilyon.
Tiniyak naman ni Ejercito na muling susuriin ng Senado ang mga proyekto at aalisin ang mga dobleng pondo kung mapatutunayang may ganitong iregularidad.
📷 PNA

