Posibleng bumaba sa minimum operating level na 180 metro ang lebel ng tubig sa Angat Dam pagsapit ng katapusan ng Pebrero 2027 dahil sa epekto ng El Niño, ayon sa PAGASA.
Sa pinakahuling datos ng ahensya, nasa 210.23 metro ang lebel ng tubig sa dam. Gayunman, inaasahang bababa ito sa 202.06 metro sa pagtatapos ng Disyembre at magpapatuloy sa pagbaba sa 191.75 metro pagdating ng Enero. Lalo pa itong bababa sa 180.05 metro sa Pebrero dahil sa kakulangan ng ulan.
Kapag umabot sa minimum operating level, uunahin ang supply ng tubig para sa mga kabahayan habang babawasan o ihihinto ang alokasyon para sa irigasyon at paggawa ng kuryente.
Maaari namang magkaroon ng pagkaantala sa supply ng tubig kapag bumaba pa ito sa kritikal na lebel na 160 metro.
📷 PNA

