Maghahain ng motion for reconsideration ang pamilya at mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ibasura ng Korte Suprema ang mga petisyon para sa writ of habeas corpus na inihain ng kaniyang mga anak kaugnay ng pag-aresto at paglilipat sa kaniya sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Atty. Salvador Paolo Panelo, dismayado sila sa desisyon ng Korte Suprema na ibinasura ang mga petisyon dahil moot and academic na umano ang usapin, bunsod ng pagkakadetine ni Duterte sa kustodiya ng ICC sa Netherlands.
Iginiit ni Panelo na dapat ding napag-aralan ng Korte Suprema ang legalidad at konstitusyonalidad ng pag-aresto at pagsuko kay Duterte noong Marso 11, 2025. Nagpahayag din ng pagkadismaya si PPP Party-list Rep. Harold Duterte sa naging pasya ng korte.
Nasa kustodiya ng ICC si Duterte mula Marso 2025. Nakatakda ang paglilitis sa kaniya sa Nobyembre 30.
📷 ICC


