Pinayagan umano ng Quezon City Jail warden na magkaroon ng personal assistant si dating House Speaker Martin Romualdez habang nakapiit sa Payatas.
Ayon kay Jail Supt. Maria Lourdes Pacion, kailangan ito ni Romualdez dahil hindi pa umano matatag ang kaniyang mental state.
Nilinaw ni Pacion na walang ibang person deprived of liberty (PDL) sa pasilidad ang may ganitong arrangement.
Samantala, inatasan ng Sandiganbayan ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na isumite ang CCTV recordings at ulat sa kinaroroonan ni Romualdez bilang tugon sa alegasyong nakalabas siya ng kulungan.
Inaasahang ihaharap ang resulta sa Nobyembre 9.
📸: BJMP


