Nakuha ng Democratic Party ang mayorya sa Senado at House of Representatives ng Estados Unidos matapos ang midterm elections, kaya kontrolado na nila ang dalawang kapulungan ng Kongreso.
Kabilang sa mga naging isyu sa halalan ang mataas na presyo ng gasolina at mga bilihin, buwis sa mga inaangkat na produkto, at digmaan ng US laban sa Iran. Nagwagi rin ang mga Democrat sa ilang estadong matagal nang pinamumunuan ng mga Republican.
Dahil dito, magkakaroon ang mga Democrat ng kapangyarihang harangin ang mga panukala ng administrasyon ni US President Donald Trump, tutulan ang ilang appointment nito, at magsagawa ng mga imbestigasyon sa kaniyang administrasyon.
Samantala, sinabi ni Trump na handa siyang tanggapin ang resulta ng halalan, ngunit hindi niya ito itinuring na personal na pagkatalo.
📷: Reuters



