Muling nahalal ang Filipino-American Democratic Representative na si Robert “Bobby” Scott bilang kinatawan ng 3rd Congressional District ng Virginia sa US House of Representatives matapos talunin ang Republican challenger na si Edwin Rivera Jr. sa midterm elections nitong Nobyembre 3.
Papasok na siya sa kaniyang ika-18 na termino matapos unang mahalal noong 1992.
Kinikilala si Scott bilang unang voting member ng US Congress na may lahing Filipino. Ang kaniyang lolo sa ina ay nandayuhan mula sa Pilipinas noong panahon ng Spanish-American War.
Bago pumasok sa Kongreso, nagsilbi siya nang 15 taon sa lehislatura ng Virginia.
Kasalukuyan siyang ranking member ng House Committee on Education and the Workforce, kung saan nakatuon ang kaniyang trabaho sa mga usapin sa edukasyon at karapatan ng mga manggagawa.



