Mapapabilang sa soundtrack ng upcoming animated film na The Angry Birds Movie 3 ang bagong kanta ni BLACKPINK member Jisoo na “Sun Showers.”
Ayon sa The Hollywood Reporter, bumagay ang kanta sa masaya at makulay na atmosphere ng pelikula. Ibinahagi rin ng singer ang excitement niya sa pagiging bahagi ng proyekto.
Sa ikatlong pelikula, muling bibigyang-boses nina Jason Sudeikis at Rachel Bloom ang mga karakter na sina Red at Silver. Haharap ang dalawa sa mga hamon ng pagiging magulang habang nagsisimula ng panibagong adventure.



