Magpapatupad ang South Korea ng mga pagbabago sa biyahe at oras ng trabaho sa Nobyembre 19 para sa mahigit 551,000 estudyanteng kukuha ng taunang college entrance exam o Suneung, isa sa pinakamahalagang pagsusulit sa bansa na nakaaapekto sa pagpasok sa mga unibersidad.
Ipagpapaliban hanggang lampas alas-10 ng umaga ang pasok sa mga tanggapan at kumpanya upang mabawasan ang trapiko at matulungan ang mga estudyanteng makarating sa testing centers sa oras.
Mas dadamihan din ang biyahe ng subway sa Seoul, habang ipagbabawal ang mga sasakyan sa loob ng 200 metro mula sa mga testing center.
Samantala, pansamantalang ititigil ng lahat ng takeoff at landing ng eroplano at helicopter sa buong bansa sa loob ng 25 minuto, mula alas-1:10 hanggang alas-1:35 ng hapon, habang isinasagawa ang English listening test.
Ihihinto rin ang mga pagsasanay militar upang maiwasan ang ingay at hindi maistorbo ang mga nagsusulit.
📸: Reuters


