Tinanggal sa trabaho ang isang driver matapos singilin ng ₱4,700 ang isang Amerikanong pasahero para sa biyahe mula NAIA Terminal 3 papuntang Terminal 2 noong Nobyembre 4.
Ayon sa DRJ Transport, lumabag ang driver sa aprubadong pamasahe ng paliparan dahil ₱2,250 lamang ang tamang singil sa naturang biyahe.
Ibinalik na rin ng kumpanya ang buong halagang binayaran ng pasahero matapos itong magreklamo sa mga awtoridad ng NAIA.



