Magkakaroon ng security at access restrictions sa mga itinalagang lugar para matiyak ang seguridad at maayos na pagsasagawa ng 49th ASEAN Summit and Related Summits.
Sa Phase 1: Controlled Access, mula Oktubre 24 hanggang Nobyembre 8, magkakaroon ng security checkpoints at papayagan lamang ang pagpasok matapos ang screening at verification.
Sa Phase 2: Restricted Access, mula Nobyembre 9 hanggang 18, tanging mga awtorisadong indibidwal at sasakyang may valid access credentials ang papayagang makapasok sa mga exclusion zone.
Pinapayuhan ang publiko na planuhin ang biyahe, sundin ang mga nakapaskil na abiso, at makipagtulungan sa mga security at traffic personnel.
📷: ASEAN 2026 PH



