Bibiyahe si Vice President Sara Duterte sa Hong Kong mula Nobyembre 6 hanggang 8, 2026, para dumalo sa ilang aktibidad, kabilang ang isang pagtitipon na inorganisa ng Filipino community roon, ayon sa Office of the Vice President (OVP).
Sinabi ng kaniyang tanggapan na sariling pera ng bise presidente ang gagamitin sa lahat ng gastusin sa biyahe.
Binigyang-diin din ng OVP na walang gagamiting pondo, kagamitan o pasilidad ng pamahalaan kaugnay ng kaniyang paglalakbay.



