Haharangin ng pamahalaan ang lahat ng shipment na magmumula sa Laos kasunod ng pagkakasamsam ng tinatayang ₱1.36 bilyong halaga ng hinihinalang shabu sa Manila International Container Port.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, mahigit 200 kilo ng shabu ang nasabat mula sa isang shipment na nakatago sa loob ng mga karton.
Sinabi rin ni Remulla na posibleng naghahanap ng alternatibong ruta ang mga drug syndicate upang maipasok ang ilegal na droga sa bansa, kasunod ng pagkakasabat ng humigit-kumulang 17 tonelada ng ilegal na droga sa karagatan.
Kinuwestiyon din ng kalihim kung paano nakalusot ang halos isang toneladang ilegal na droga sa mga pantalan ng Pilipinas sa nakalipas na apat na taon at kung sinu-sino ang posibleng nagpahintulot dito.
📷: PDEA



