Nagsagawa ng cleanup operations ang mga awtoridad matapos kumalat ang 25 litro ng used oil sa 500 square meters ng katubigan sa Mariveles, Bataan noong Nobyembre 5.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), patuloy pang bineberipika ang eksaktong pinagmulan ng oil spill.
Nakakolekta na rin ang PCG ng 800 kilo ng kontaminadong basura at ipinagpatuloy ang paglilinis sa lugar.
Via Jim Tejano
📷 PCG



