Nagbitiw sa puwesto si Paraguayan President Santiago Peña nitong Huwebes, Nobyembre 5, kasunod ng tumitinding panawagan sa kaniyang pagpapatalsik kaugnay ng pagbagsak ng digital lender na Ueno.
Aabot sa tatlong milyong customer ang hindi makapag-access sa kanilang mga account matapos mamagitan ang central bank dahil nabigo ang Ueno na matugunan ang minimum solvency requirements.
Bago ang kaniyang pagbibitiw, nawalan din ng suporta si Peña mula sa ilang miyembro ng sarili niyang partido. Naghahanda naman ang oposisyon na simulan ang proseso ng impeachment laban sa kaniya.
Papalitan sana si Peña ni Vice President Pedro Alliana.
📷 Reuters



