Pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagrepaso sa limitasyon sa bilang ng riders ng mga motorcycle-taxi service provider.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, dapat nang muling suriin ang kasalukuyang cap dahil hindi na umano ito tugma sa aktuwal na supply at demand ng mga pasahero at sasakyan sa Metro Manila, kung saan kapansin-pansin ang kakulangan sa pampublikong transportasyon.
Kasunod ito ng imbestigasyon ng LTFRB sa Move It dahil sa umano’y paglampas nito sa awtorisadong rider limit.
Sinuportahan naman ng Coalition of Filipino Commuters ang panukalang repasuhin ang limitasyon at ibatay ito sa aktuwal na pangangailangan ng mga commuter.
📷: Move It



