Nilinaw ng Police Regional Office 11 na 2023 pa nang kuhanan ang viral photo ni Senador Ronald Dela Rosa sa Digos City Memorial Park sa Davao del Sur, at hindi ngayong taon.
Hinimok naman ni Acting PRO 11 Regional Director Brig. Gen. Benigno L. Guzman ang publiko na beripikahin muna ang petsa at pinagmulan ng mga larawan bago ipakalat online upang maiwasan ang maling impormasyon.
📷: PRO 11



