“WHAT BETTER WAY TO SAY ‘I LOVE YOU SO BAD’ THAN WITH A MARRIAGE PROPOSAL? 💍”
Pinagkaguluhan ng audience ang couple na ito matapos mag-propose ng lalaki habang pineperform ng LANY ang iconic song na "ILYSB."
Nagkaroon pa ng kaunting problema dahil nahulog ng lalaki ang singsing pagkabukas nito ng box. Pinagtulungan naman ng lahat na ito ay agad na maibalik sa kaniya.
Tunay na magiging memorable ang karanasang ito para sa couple na ito. Ano naman ang special moment niyo kahapon sa "soft by LANY: the world tour", mga Ka-NET25? 🤭


