Nagpasalamat ang LANY frontman na si Paul Klein sa Filipino fans matapos ang unang araw ng kanilang concert na “soft by LANY: the world tour” sa Philippine Arena.
Sa kaniyang mensahe, muling ipinahayag ni Klein ang pagmamahal ng banda sa Pilipinas at pinuri ang mga Pilipino bilang pinakamagagaling na audience at fans na nakasama nila sa kanilang mga pagtatanghal.
“I said it before, and let me say it again. This is our favorite place in the entire world. You’re the best people and the best fans in the world to play music with. No contest, it’s all you, Manila. It’s all you, Philippines. We’re so proud to be one of your favorite bands,” ani Paul Klein.
Magpapatuloy ang kanilang pagtatanghal ngayong Linggo, Nobyembre 9, para sa ikalawang araw ng kanilang concert sa Philippine Arena.



