Natukoy ng mga awtoridad ang isang 15-anyos na Grade 10 student na umano’y umaming sangkot sa pag-post ng dalawang bomb threat na nagta-target sa San Roque High School sa Alburquerque, Bohol.
Sa tulong ng digital evidence, natunton ng Alburquerque Municipal Police Station at Anti-Cybercrime Group ng Bohol Police Provincial Office ang social media posts at Gmail account na umano’y ginamit sa pagpapakalat ng banta. Unang naitala ang bomb threat noong Setyembre 30 at naulit ito noong Oktubre 12.
Dinala ang menor de edad sa pangangalaga at superbisyon ng Municipal Social Welfare and Development Office sa Loay para sa kaukulang intervention alinsunod sa mga batas na nagpoprotekta sa mga bata.



