Inextend ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) nang 30 araw ang deadline ng aplikasyon para sa regularisasyon ng mga ride-hailing service provider na kasalukuyang nasa ilalim ng temporary o “tempo” status.
Batay sa pinakahuling datos ng LTFRB, nakatanggap na ang ahensya ng 13,216 aplikasyon, kung saan 5,091 ang nabigyan na ng provisional authority.
Hinimok naman ni LTFRB acting chairman Greg Pua Jr. ang mga aplikante na kumpletuhin at i-upload ang lahat ng kinakailangang dokumento upang maiwasan ang pagkaantala sa proseso.



