Itinaas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa maximum alert ang paghahanda laban sa wildfire dahil sa inaasahang matinding epekto ng Super El Niño.
Kabilang sa mga hakbang ng ahensya ang pagpapakalat ng bantay gubat patrols, pagtatayo ng firelines, pagbabawal sa open burning at kaingin, pagsasanay sa mga frontline personnel, at pansamantalang pagsasara ng mga lugar na high-risk sa sunog.
Pansamantalang isinara ng DENR Region XI ang Mt. Apo Natural Park sa lahat ng trekking at recreational activities upang mabawasan ang risk ng sunog na dulot ng human activities at bigyang-panahon ang pagbangon ng ecosystem.
Nanawagan naman si DENR Secretary Juan Miguel Cuna sa publiko, lalo na sa mga magsasaka at lokal na lider, na mahigpit na sundin ang pagbabawal sa pagsusunog upang maprotektahan ang mga kagubatan.



