Hindi pinapayagan ang pagkakaroon ng personal assistant ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa loob ng kulungan, ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla. Nagbabala rin siyang maaaring matanggal sa puwesto ang mga jail personnel na magpapahintulot sa ganitong hindi awtorisadong kaayusan.
Kasunod ito ng pag-amin ni Quezon City Jail Superintendent Maria Lourdes Pacion na pinayagan niyang magkaroon ng personal assistant si dating House Speaker Martin Romualdez sa loob ng male dormitory. Sinabi ni Pacion na ginawa niya ito dahil sa pangangailangan ni Romualdez at kawalan ng kakayahan ng pasilidad na magbigay ng 24-oras na assistance.
Sinabi ni Remulla na iimbestigahan ang naturang kaayusan at magsasagawa rin siya ng inspeksiyon sa mga pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang matiyak na walang PDL na nabibigyan ng espesyal na pagtrato.



