Inilunsad na ang general election sa New Zealand ngayong Sabado, Nobyembre 7, kung saan nakatakdang magsara ang mga polling place ng 7:00 ng gabi (local time).
Inaasahang magsisimulang ilabas ng Electoral Commission ang paunang resulta matapos magsara ang botohan. Target nitong makapag-ulat ng resulta mula sa 50 porsiyento ng mga polling place pagsapit ng 10:00 ng gabi.
Kabilang sa mga kandidato sina Prime Minister Christopher Luxon ng center-right National Party at Chris Hipkins ng center-left Labour Party.
Samantala, sa Nobyembre 27 pa idedeklara ang opisyal na resulta, na kabilang na ang mga special vote gaya ng mga balota mula sa mga botante sa ibang bansa. Wala pang itinakdang panahon kung kailan dapat mabuo ang susunod na pamahalaan.



