Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa posibleng pagbagsak ng mga debris mula sa Long March 12 rocket ng China sa karagatang sakop ng Pilipinas ngayong Lunes, Nobyembre 9.
Kabilang sa mga tinukoy na drop zone ang layong 25 nautical miles mula sa Puerto Princesa, Palawan at 19 nautical miles mula sa Tubbataha Reefs Natural Park.
Bagama’t hindi inaasahang tatama sa kalupaan o matataong lugar ang mga debris, maaari itong magdulot ng panganib sa mga barko at bangkang pangisda.
Pinayuhan din ng ahensya ang publiko na huwag lapitan o pulutin ang mga ito dahil posibleng may taglay na nakalalasong sangkap gaya ng rocket fuel.
📷 PhilSA
