Kinuwestiyon ng Commission on Audit (CoA) ang ₱1.2 bilyong tulong na ipinamahagi ng Department of Migrant Workers (DMW) sa mga overseas Filipino workers (OFWs) noong 2025 dahil sa kakulangan ng dokumentasyon at monitoring.
Sa audit report, natuklasan ang kakulangan sa mga dokumento ng ₱100.99 milyong tulong para sa 444 na benepisyaryo at ₱74.42 milyong grants para sa 2,138 OFWs, kabilang ang mga nawawalang resibo at recommendation reports.
Binigyang-diin din ng CoA ang kawalan ng centralized database ng DMW na maaaring magresulta sa dobleng ayuda.
📷 DMW
